Skip navigation.
Home

Breakfast with a Poet II - Biting the Bullet

Pinoy Life

Hikari Express

I showed Elynia Mabanglo BarangayAmerika.com and she liked the concept. “Kaya lang bakit Barangay Amerika tapos lahat naman ng nakasulat e Ingles?�? aniya.

Oo nga naman.

Nang imungkahi at ipatupad ang ideyang sistemang bilingual sa edukasyon, sabi nila’y nagkaroon tayo ng henerasyon ng mga mamamayang mapurol sa ingles—at mahina din sa pilipino. Madaling intindihin kung medyo diskaril ang ating ingles, tutal hindi naman ito ang tinubuang wika. Ngunit walang dahilan kung pati ang ating pilipino ay pagewang-gewang tulad ng Kennon road sa Baguio at tulad din ng sulating ito.

Ipagpaumanhin ang pagiging TH, ngunit nalihis na ako sa aking nais isulat. Sana’y patawarin kung babalik ako sa pagsusulat sa ingles, sadyang hindi ko pa gamay ang pagsusulat ng mahaba-haba sa ating lingua franca. Nakakahiya talaga. Ngunit pagsusumikapan kung makapagsulat sa ating wika sa mga susunod pang mga kwento. Promise.

The other day was surreal, but it turned out to be one of the best days I’ve had in Japan. Again, breakfast set the tone for the day’s unfolding. Our guest would be leaving for home (Philippines, although she’s a permanent resident of Hawaii) and over breakfast she worried over her heavy baggage and the predicament of having to carry them all the way to Tokyo where her flight originated.

“E kung sumama na lang kayong dalawa (my wife and I) at babayaran ko na lang shinkansen niyo round-trip?�?

Perhaps it was the early hour and the craziness of the idea that prevented the thought from sinking in. Looking at Elynia though, she appeared serious. And then it hit, a free ride on the shinkansen – THE Bullet Train!. Only a fool would give up on the chance and I wasn’t going to be that fool that day.

A quick shower and we’re on our way to Tokyo on the Hikari Super Express. I felt like a child before his first ride on a roller coaster. But this was adult sized fun. I realized only now that what we did was go on a series of train rides all the way from Minoo City in Osaka prefecture to Narita Airport in Tokyo, a distance comparable to that between Manila and Laoag in Ilocos Norte. In 4 hours! It’s amazing how I was able to get through all the way to the Narita Departure Lounge with only my ACR (Alien Certificate of Registration) as my ID since in the rush I forgot my passport in Osaka.

We took advantage of the instant voyage by accepting an invitation to meet in Tokyo with our ampon (she lived with us for one year while she studied in UP Baguio), Hiromi Iwasaki, who was astonished to hear that we were on our way to her city, unplanned. We last saw Hiromi in October 2004, and though we are all now in Japan, the high cost of travel between Osaka and Tokyo precluded meeting casually.

The day zipped past us like the blur outside the shinkansen’s windows. Soon it was 23:55 and we were walking the few steps from the bus stop to our home in Osaka. Glancing at my watch, I noted that it was the exact time Elynia’s plane would be touching down at NAIA. We were all home at last.

mahal
maanong isulat
kung nahanap ko na
ang gusi sa paanan ng iyong bahaghari
dahil
ibig ko nang umuwi

--Elynia Mabanglo, Bayang Magiliw, Mesa Para sa Isa.

Comment viewing options

Select your preferred way to display the comments and click "Save settings" to activate your changes.

sagot kay Ka Horhe

Nasiyahan ako sa nabasa. Natuwa dahil lahat ng mga detalyeng di agad nakita ay naisulat. Kung minsan, ganoon ang buhay. Lumalampas sa hawak ang gagap, hindi namamalayan. Salamat Ka Horhe. Naging makabuluhang lalo ang pagpasyal ko sa Japan. Bukod sa magagandang tanawin na hanggang ngayon ay nakatawing sa kamalayan, maraming magagandang pakiramdam, ayaw lumisan. Pag-aaralan ko itong blog para makapagpost din ako.

aba'y opo

lubos ko po silang ina-aanyayahan makisapi sa ating munting sulok ng pandaigdigang sapot. ang inyong abang linkod, tanod ng barangay.

-kyo-

San libo't sang laksang paumanhin

Kapanalig, ako po ang dapat humingi ng san libo't sang laksang paumanhin dahil sa aking nanlalabo nang talagang paningin. At isa pa, ako'y nahirating makita ang "url" sa malalaking titik ("URL"). Narito po ang inyong hinihiling:

"Wala Na Ang Ilog, Tatang": http://www.barangayamerika.com/home/node/60

"... at wala na rin atang alimasag manong":
http://www.barangayamerika.com/home/node/68

Nawa'y maibigan ang mga tiga-Hawaii ang dalawang sanaysay na ito. :D

Pinoy Photog

URL - Uniform Resource Locator

Ka Hayme, ipagpaumanhin ang malabong pagkakasulat ko sa aking mensahe ng mga titik na 'url' (uniform resource locator). Ito ang mga address sa internet ng mga sulating nabanggit upang madali nilang mahanap ang mga ito.
Maraming salamat po sa inyong tugon at talaga namang hamon sa akin ang paggamit ng ating magandang wika.

sumasainyo,
ka horhe

Uri po ba ng sulatin ang tinatanong nyo? :P

Bilang sagot sa inyong katanungan, ang sa akin ay isang sanaysay, hahayaang kong si Kyo ang magsabi ng uri ng kanyang sinulat. :)

==================
Wala Na'ng Isda, Tatang...

Submitted by PinoyPhotog on Sat, 2005/09/17 - 1:31pm.

Paunang-salita:
Halaw sa isang sanaysay (“Walang Na Ang Ilog, Tatang�?) na isinulat ko may labing-limang taon na ang nakalilipas bilang panaghoy sa pagkamatay ng isang ilog sa Las Pinas…ilog na ang tubig ay nagbigay-buhay sa di iilang mga mamamayan ng bayang nabanggit na nagkaroon ng asinan, talabahan at palaisdaan, hanggang sa ang pagdami na rin ng mga mamamayang ito ang naging dahilan ng pagka-tabon – at pagkamatay -- ng ilog. Ang sanaysay kong iyun na nalathala sa isang lingguhang-babasahin ay naging artikulo din sa isang aklat-pampaaralan na gamit ng ilang mga guro pag nagtuturo ng “Sagip-Kalikasan.�?

======================

Ngayon, hinggil naman po sa inyong katanungan na kung maaring sumali ang mga guro at mag-aaral na tiga-Hawaii, hindi sa nais kong saklawin ang karapatan ni Kyo bilang may-ari at tagapangasiwa at moderaytor ng blog na ito subali't alam kong ang hangad nya ay mapalawak ang abot ng BarangayAmerika at paramihin ang mga kasapi nito. :P

Ito po ang inyong lingkod, si Hayme (Jaime), alyas Pinoy Photog.

p.s.: Kasamang Horhe (Jorge), ayos bang Tagalog ko? :P

Hayaan niyo po't makararating.

Ano na nga po ba ulit ang url ng mga iyon? At tanong din po, gusto niyang ipakita sa kanyang mga estudyante ang blog na ito. Maaari din po ba silang sumali? Kasama din sa kanilang aralin sa Unibersidad ng Hawaii ang pinoy diaspora.

"...tapos lahat naman ng nakasulat e ingles?"

Sana ipinabasa mo sa kanya yung isinulat kong "Wala Na Ang Ilog, Tatang" at yung susog na isinulat ni Kyo na "At Wala Na Rin Yatang Alimasag, Manong." :P

Pinoy Photog

Comment viewing options

Select your preferred way to display the comments and click "Save settings" to activate your changes.