Pinoy Hospitality


Submitted by kyo on Sat, 2006/07/01 - 8:49am.

Isa sa mga maipagmamalaki nating mga Pinoy ay ang ating hospitality. Mga ilang taon nakaraan ay bumisita kami sa bayan ng San Simeon, CA para silipin ang naiwang kayamanan ni ginoong Hearst at dahil linggo yun, nagsimba kami sa katabing bayan ng Cambria. Dahil probinsyang probinsya ang lugar na ito, kakaiba ang 'atmosphere' sa loob ng simbahan kung ikukumpara sa mga ibang simbahan sa California. Halos mga puti lahat ang tao (siguro, may tatatlong Asyano) at tila ba nagtataka sila kung bakit may ibang kulay na napadayo kapag napapatingin sila sa amin.

Ikumpara mo ito sa simbahan dito sa St Anne's ng Union City kung saan ay pagpasok mo pa lamang ay para ka bang 'tineleport' sa malaking simbahan ng isang subdibisyon sa Maynila (95 to 98% ng nagsisimba ay Filipino). Ang pari, deacon, choir at taga-basa ay Pinoy lahat. Bago mag-umpisa pa lamang ang misa ay pinatayo agad ng pari ang mga "bumibisita", tinanong kung saan sila galing at isa-isang binigyan ng welcome sabay masigabong palakpakan ng parokya. Hindi ako magtataka kung ganito rin ang iyong mararanasan sa Fremont, Daly City, Vallejo at iba pang Pinoy Communities dito sa Bay Area.

Sadyang kakaiba ang ating pagtanggap sa kapwa!

Comment viewing options

Select your preferred way to display the comments and click "Save settings" to activate your changes.
Submitted by jorge de luna a... on Sun, 2006/07/02 - 5:34pm.

tungkol sa mga pinoy na doktor ang mga nars na nangibang bayan ang akdang ito nang una kong mabasa ko ang titolo. :-)

Comment viewing options

Select your preferred way to display the comments and click "Save settings" to activate your changes.