Submitted by kyo on Sun, 2006/10/08 - 7:46pm.
Natatawa ako kahapon at napakinggan ko ang isa sa mga paborito naming album noon sa college, ang debut album ng Yano. Hindi lang yun, Two albums in one pa at ni-redesign ng batikang si Arnold Arre ang cover. Napabili na rin tuloy ako ng Color it Red (Fool's Circle + Hand Painted Sky) atsaka FrancisM's (FreeMan + FreeMan 2). Ni-rip ko na rin agad sa iTunes Apple Lossless Format.
Solb na solb. Mabuhay ang Iskolar ng Bayan.
-----------------
KAMUSTA NA
written by Dong Abay and Eric Gancio
Kumusta na, ayos pa ba
Ang buhay natin, kaya pa ba
Eh kung hinde, paano na
Ewan mo ba, bahala na?
Napanood kita sa tibi, sumama ka sa rali
Kasama ang mga madre, pinigilan mga tangke
Umiiyak ka pa sa harap ng mga sundalo
Namigay ka pa ng rosas na nabili mo sa kanto.
Repeat Chorus
Dala-dala mo pa, estatwa ni Sto. Nino
Eskapularyo't Bibliya, sangkatutak na rosaryo
At sa gitna ng EDSA, lumuhod ka't nagdasal pa
Our Pader, Hail Mary from thy bounty thru Christ our Lord amen.
Repeat Chorus
Pebrero, bente-sais nang si Apo ay umalis
Ngiti mo'y hanggang tenga sa kakatalon, napunit a'ng pantalon mo
Pero hindi bale, sabi mo, marami naman kame
Kahit na amoy pawis, tuloy pa rin ang disko sa kalye.
Repeat Chorus
Nakita kita kahapon, may hila-hilang kariton
Huminto sa may Robinson, tumanga buong maghapon
Sikat ka noon sa tibi kase kasama ka doon sa rali
Pero ngayo'y nag-iisa, naglalakad sa may EDSA.
Repeat Chorus 2x
Ewan mo ba, bahala na
Bahala na, bahala na?
-----------
-kyo-