Submitted by kyo on Wed, 2006/12/06 - 6:25pm.
Siyempre alam ng mga kabarkada ko noong college na paborito ko ang Eraserheads. Incidentally, isa sa mga kanta nila dati "Tindahan
ni Aling Nena" ay tungkol sa isang binata na napa-ibig sa isang dalagang lalakad ng Canada sa loob ng tatlong araw.
Noon namang high school, no doubt "The Dawn" ang paborito namin. Sobrang kaunti pa lang kasi ng mga banda noon di tulad ngayon. A few years later, siguro nasa college na rin kami, ni-release nila ang "Talaga Naman".
Isa ata sa mga pinaka-madalas na tema sa musika ng mga Pinoy ang pakikipag-sapalaran sa ibang bansa. Hindi nakakapagtaka na may sinulat rin ang Yano sa topic na ito. Coincidentally, wala na ata ako sa Pilipinas nang lumabas ang pangalawang album nila "Tara" so hindi ko alam kung sumikat ito (upbeat ang rhythm pero malungkot ang istorya) ...
Paalam Sampaguita
Yano
Chorus:
Paalam sampaguita
Bakit ka lalayo pa
Maninirahan sa america
Di na tayo magkikita
Anong silbi ng larawan mo
Kung hindi ka naman naririto
Habangbuhay ko bang ilalagay
Sa pitika ko na iyong ibibigay
Tatay at nanay mo ang nagsabi
Di raw tayong maaring mag-steady
Gusto nilang maging asawa mo
Yung anak ng mayari ng barko
(-Chorus-)
Sabi mo mahal mo ako
Sa ilalim ng buwan nagsumpaan pa tayo
Na walang makakahadlang
Kahit sino man sa ating pag-iibigan
Kay saklap naman ng kapalaran
Nilisan ka ‘pagkat ika’y napilitan lang
Kaya ito laging kasama ko
Ang tamis ng pait ng ala-ala mo
(-Chorus-)
Ganito ba talaga ang pag-ibig
Di maaring magtagpo ang lupa’t langit
Ganito ba talaga ang pag-ibig
Di maaring magtagpo ang lupa’t langit
(-Chorus-)
Paalam na
Paalam na
Paalam na
Paalam na, bye bye…